Vote Counting Machine o VCM at election paraphernalia, sinunog sa Jones, Isabela
Isang Vote Counting Machine at election paraphernalia ang sinunog sa Brgy. Sta. Isabel, Jones, Isabela.
Kinumpirma ni Jones election officer Jewel Pardiñes na nasunog ang VCM ng Brgy. Dicamay 1, pero bineberipika pa ang nangyari sa VCM ng Dicamay 2.
Pasado alas sais kaninang umaga nang harangin ng mga di pa nakikilalang lalaki ang dump truck na sinakyan ng VCM.
Sinunog ng naturang grupo ang VCM isang kilometro lang ang layo mula polling precinct ng Brgy. Dicamay 1.
Tinatayang nasa 200 balota ang hindi pa nabibilang mula sa nasabing mga baranggay.
Sa kasalukuyan, nasa 96% pa lang ang nabibilang na boto sa Jones.
Sinabi ni Pardiñes na ang dalawang VCM na lang ang kulang para maging 100% ang counted votes.
Sa Dicamay Jones din naganap ang pananambang noong 2016 sa kumakandidato sa pagka-alkalde na si Lanie Uy.
Ulat ni Cesar Agcanas