Voter Registration apat na araw nalang – Comelec
Muling nilinaw ng Commission on Elections na apat na araw lamang ang kanilang ilalaan para sa Voter Registration.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Comelec Spokesperson James Jimenez kasunod ng nauna nilang pahayag na ang voter registration ay itatakda na tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Ayon kay Jimenez, ang voter registration ay mula lunes hanggang Huwebes lamang mula 8am hanggang 3pm.
Habang ang araw ng Biyernes naman ay ilalaan nila para sa disinfection ng Comelec offices.
Maliban na lamang kung magbigay ng ibang araw ang ng mga lokal na pamahalaan sa lugar kung saan naroon partikular na Comelec office.
Simula aniya sa Nobyembre 3 ay wala na ang araw ng Sabado na una nilang inilaan para sa mga nais na magparehistro.
Nagpaalala rin ang Comelec na nananatiling suspendido pa ang voters registration sa mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine.
Para naman sa mga magtutungo sa tanggapan ng poll body mahigpit ang paalala na tiyaking may face mask at face shield at sundin ang mga protocol bilang pag iingat sa COVID-19.
Madz Moratillo