Vp at DepEd Secretary Sara Duterte umapela sa mga negosyante na i-hired ang K to 12 Graduates
Hinimok ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga negosyante na kuning mga empleyado ang mga K to 12 Graduate.
Sa ika apatnaput- walong taong business conference ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, sinabi ni Duterte na dapat bigyan rin ng tiyansa ng mga negosyante ang mga nagtapos ng K to 12 program.
Ayon sa pangalawang pangulo, tanggap naman ng gobyerno ang mahinang performance ng mga eskwelahan sa International Educational Assessment kaya mas pinaigting pa ng DepEd ang learning recovery program at ginawa ang face to face classes kahit may pandemya.
Gumagawa na rin aniya sila ng hakbang para maresolba ang gap at makapagproduce ng mga K to 12 graduates na may sapat na kakayahan at handa na sa anumang employment.
Apila niya sana maasahan ang suporta ng mga negosyante at bigyan ng tiyansa ang mga kabataan na makasabay sa pagbangon ng bansa sa pandemya.
Meanne Corvera