VP Leni Robredo hindi lusot sa kasong Espionage kaugnay ng War on Drugs
Binalaan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Vice-President Leni Robredo na makakasuhan ng espionage.
Ito’y kapag nakuha ni Robredo ang mga impormasyon sa mga dawit sa illegal drug trade at naisapubliko.
Una nang hiniling ni Robredo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa drug watch lists pero tumanggi si PDEA Director Aaron Aquino.
Sabi ni Aquino, ibibigay lang ang impormasyon sa isang Executive Session para sa kamay lang mismo ng Bise-Presidente dumaan ang mahahalagang impormasyon.
Ipinaalala ni Lacson na hindi maaring i-share kanino mang personalidad o anumang bansa ang mga classified information dahil malalagay sa panganib ang National Security ng bansa.
Ulat ni Meanne Corvera