VP Robredo hindi nagsisisi sa pagre-record ng video message na ipinadala sa UN
Walang pinagsisisihan si Vice President Leni Robredo sa pagrerecord ng video message na ipinadala niya sa United Nations na naglalaman ng pahayag ukol sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ayon kay Robredo, pinag-aralan niyang mabuti ang kanyang mga sinabi sa UN, kahit pa ito ang naging mitsa para sampahan siya ng impeachment complaint dahil sa pagbatikos sa war against drugs ng Duterte administration.
Pinabulaanan din ni Robredo ang akusasyon ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na mali ang kanyang iniulat na datos sa UN kaugnay sa bilang ng mga napatay sa naturang kampanya ng pamahalaan.
Aniya, hindi naman niya sinabi sa UN na lahat ng 7,000 kilings ay pawang drug-related.
Ang sinabi lamang niya ay simula noong inilunsad ng pamahalaan ang kampanya nito kontra droga ay nagkaroon na ang Pilipinas ng 7,000 na summary executions.
Paliwanag pa Robredo ang figures sa summary executions na kanyang hawak ay mula sa mga independent sources dahil hindi pinansin ng pulisya at ni Interior Secretary Mike Sueno ang kanyang request na magkaroon ng datos sa war against drugs campaign ng pamahalaan.