VP Robredo, hindi pabor sa postponement ng Brgy. at SK elections
Tutol si Vice President Leni Robredo sa planong ipagpalibang muli ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections at sa halip ay mag-appoint na lamang ng OIC barangay officials.
Ayon sa panglawang pangulo nang nasabing hakbang ay hindi napapaloob sa batas at ang pag-appoint ng mga barangay opisyal ay maaaring makompromiso ang kanilang kalayaan.
Dagdag pa ni Robredo ang nasabing hakbang ay tila bumabalik ang bansa sa mga naunang panahon kung saan dapat ang mga ito ay maging “a political” at non-partisan.
Reaksyon ito ng bise presidente sa naisin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban angnasabing halalan.
Please follow and like us: