Wage subsidy para sa mga pamilyang mahihirap , itinulak sa Senado
Inirekomenda ni Senador Imee Marcos ang pagbibigay ng wage subsidy sa mahihirap na pamilyang Pilipino kasama na ang mga minimum wage earners para makasabay sa kasalukuyang antas ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ayon kay Senador Imee , 60 percent ng kita ng mga mangagawa napupunta lang sa pambili ng pagkain dahil sa napakamahal na mga bilihin .
Pero nadagdagan pa ito ng ten percent ngayong pumalo na sa 7.7 percent ang inflation kaya hindi halos wala nang panustos sa iba pang pangangailangan.
Banggit pa nito , may mahigit 200 billion pesos na pondo na nakalaan para sa ayuda sa ilalim ng 2023 Proposed National budget .
Kung magbibigay ng ayuda dapat aniyang unahin ang pinaka mahihirap na pamilyang pilipino
bukod sa ayuda, isinusulong ni marcos ang pagtatayo ng nutribus sa bawat baranggay para sa feeding program ng mga bata.
Pero sabi ni Senador Alan Peter Cayetano, kung magbibigay ng ayuda, dapat direkta na itong ibigay sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng digital payout at huwag nang padaanin sa mga local government units .
Kapag ibinigay ito sa labinlimang milyong mahihirap na pamilya, maaring makatipid pa ang pamahalaan ng aabot sa 50 million pesos.
Hindi na magbabayad ang gobyerno ng administrative costs at operating expenses.
Mungkahi niya gumawa ang Department of Information and Communications Technology ng E payout system para bawasan ang pamumulitika at korapsyon na ginagawa sa tradisyunal na pamamahagi ng ayuda.
Meanne Corvera