Wala pa ring progreso sa paglutas ng welga ng mga aktor ayon sa union negotiator

Screen Actors Guild chief negotiator Duncan Crabtree-Ireland said there has been no progress in contract negotiations with Hollywood's major studios/Geoff Robins / AFP

Hindi na binigyan ng kontrata ng mga pangunahing studios at streamers ang mga nag-aklas na artista mula nang tumigil ang mga ito sa trabaho noong Hulyo.

Ito ang sinabi ni Duncan Crabtree-Ireland, na siyang nakikipagnegosasyon sa ngalan ng 160,000 mga artista ng telebisyon at pelikula na kabilang sa Screen Actors Guild (SAG-AFTRA), sa unang araw ng Toronto International Film Festival (TIFF).

Matatandaan na noong kalagitnaan ng Hulyo ay sumama na ang mga artista sa mga manunulat sa picket line, sa unang malawakang welga ng industriya sa loob ng 63-taon, kaugnay ng isyu sa bayad at iba pang work conditions, na nagpahinto sa produksiyon ng mga higanteng kompanya ng pelikula at telebisyon.

Nang tanungin kung ano na ang huling kaganapan sa mga pag-uusap, sinabi ni Crabtree-Ireland, “The studios have not come back to the table. They have not said that they want to come back to the table. It’s been 56 days. It was “well past time” for some progress to be made. I urge them to come back to the table and make a fair deal. That’s the only way these strikes are going to an end.”

Si Crabtree-Ireland ay dumalo sa red carpet premiere ng “The Boy and the Heron” ni Hayao Miyazaki, ang unang major screening sa TIFF.

Ang mga welga ay nagpahinto sa mga bagong produksyon, at nakaapekto rin sa mga film festival ngayong taon dahil maraming artista ang umiwas sa mga premiere bilang paggalang sa panuntunan ng SAG-AFTRA na nagbabawal sa pagpo-promote ng mga proyektong mula sa malalaking studio at streamer.

Ayon kay Crabtree-Ireland, “I came to Toronto to show our support for film festivals, TIFF in particular, and to encourage members to champion their work when interim agreements are in place. It actually helps our strike effort, it helps the fight that we’re having, for these projects that have signed off on our deal to be promoted and to be successful.”

Aniya, mahigit sa 1,200 independent producers ang lumagda sa kasunduan na ipinanukala ng guild sa mga studio sa huling araw ng bargaining.

Sinabi niya, “They realize the terms are reasonable, the terms are absolutely realistic and doable.”

US actress-director Patricia Arquette supported her union at the premiere of “Gonzo Girl” during the Toronto International Film Festival / VALERIE MACON / AFP

Si Patricia Arquette naman na dumalo sa premiere ng kaniyang directorial debut na “Gonzo Girl” na pinagbibidahan ni Willem Dafoe, ay may malaking SAG-AFTRA button sa kaniyang damit.

Aniya, “We very much support our union, it’s a very important strike for us.”

Dumalo rin sa premiere ng “North Star,” ang direktor nito na si Kristin Scott Thomas, at producer na si Finola Dwyer.

Sinabi ng dalawa, “Stars Scarlett Johansson, Sienna Miller, Emily Beecham and Scott Thomas ‘would have all loved’ to be in attendance. But they stand firm with their SAG colleagues and friends.”

Ayon naman kay TIFF CEO Cameron Bailey, “My team had learned a lot about the ‘really important issues’ in the negotiations, including concerns about the encroachment of artificial intelligence into art, and I hope a deal would soon be struck.

Dagdag pa niya, “I think we all need it –- for the industry and culture of movies.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *