Walang natatanggap na Prisoner swap request ang DOJ mula sa Indonesia

Itinanggi ni Department of Justice Spokesperson Mico Clavano ang mga ulat sa Indonesian media ukol sa sinasabing prisoner exchange kapalit ng pag-turnover kay dating Mayor Alice Guo.

Ayon kay Clavano, walang opisyal na kahilingan sa Department of Foreign Affairs mula sa gobyerno ng Indonesia ukol sa prisoner swap kaya premature pa ito na pag-usapan.

Sinabi ni Clavano na may kakaharapin na paglabag sa Immigration law at iba pang krimen si Guo kaya isasailalim ito sa parehong legal na proseso na pinagdaanan nina Shiela Guo at Cassandra Li Ong.

Paliwanag pa ni Clavano, isang deportation process ang nangyayari kay Guo sa Indonesia.

Moira Encina Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *