Walo katao arestado dahil sa ilegal na cross-filing ng LPG sa Caloocan

Courtesy: PIO NPD
Inaresto Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang walong lalaki na sangkot sa ilegal na cross refilling ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa Caloocan City.

Ayon sa PNP-CIDG, dinakip ang mga suspek sa bisa ng search warrant kung saan narecover ng mga awtoridad ang 38 walang lamang cylinders, 42 cylinders na may laman, apat na sasakyan, timbangan, mga hose na bahagi ng kagamitan, refilling pumps, compressor at isang bullet tank na tinatayang nasa P25,000.00 ang halaga.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng illegal cross-refilling, at pagbebenta ng mga LPG cylinder na may tatak o pangalan nang walang pahintulot mula sa may-ari ng kumpanya, na labag sa LPG Industry Regulation Act.

Pinaghahanap din ng PNP -CIDG ang lima pang katao na sangkot sa ilegal na operasyon.
Patuloy naman ang babala ng mga awtoridad laban sa mga ilegal na aktibidad na ito, na nagsasapanganib sa kaligtasan ng publiko at sumisira sa integridad ng industriya ng LPG.
Manny De luna