Walo katao napaulat na nasaktan sa lindol sa Japan
Walo katao ang napaulat na nasaktan makaraan ang 6.3-magnitude na lindol na tumama sa timog-kanlurang Japan, ngunit lumilitaw na wala namang malaking pinsala o tsunami.
Sinabi ng US Geological Survey na ang sentro ng lindol , na tumama alas-11:14 ng gabi (1414 GMT) nitong Miyerkoles, ay natunton sa pagitan ng mga isla ng Kyushu at Shikoku.
Ang Japan ay nakararanas ng humigit-kumulang 1,500 mga lindol kada taon. Ang marami sa mga ito ay mahina at maging ang mas malalaking lindol ay kalimitang nagreresulta lamang sa kaunting pinsala.
Ayon sa Nuclear Regulation Authority ng Japan, ang Ikata power plant sa lugar ay normal pa rin ang operasyon.
Pahayag nila, “No abnormalities have been detected at the Ikata power plant… and the operation is continuing.”
Workers look at a closed off section of the national highway after rocks fell across the road when a 6.3 magnitude earthquake hit southern Japan late the night before, in the city of Ozu, Ehime prefecture on April 18, 2024. Eight people were reported injured on April 18 after a 6.3-magnitude earthquake struck at 11:14pm local time the night before off southwestern Japan, but there appeared to be no major damage or tsunami. / STR / JIJI Press / AFP
Kinumpirma ng tagapagsalita ng gobyerno na si Yoshimasa Hayashi, na walang tsunami warnings o mga abnormalidad na napaulat sa power plants at sinabi ng mga awtoridad na iniimbestigahan na nila kung may iba pang pinsala.
Walang ulat ng mga namatay na direktang sanhi ng lindol, ngunit iniulat ng regional governments at media na mayroong hindi bababa sa walong minor injuries.
Ayon sa Oita prefecture, dalawang matanda ang nahulog at nagtamo ng minor injuries, habang iniulat naman ng local media na mayroong anim na iba pang maliliit na injuries sa Ehime region.
Hindi naman agad na makumpirma ng mga pulis at ng disaster management officials sa Ehime government ang nabanggit na mga ulat, ngunit sinabing agad silang maglalabas ng makakalap nilang mahahalagang impormasyon.
Ayon sa isang lokal na telebisyon may sumabog na public water pipes sa ilang lugar sa Uwajima city.
Sa Ozu city sa Ehime, isang landslide ang humarang sa isang kalsada habang ang naglaglagang mga bato naman sa Uwajima city ay humarang din sa ilang mga daan.
Ang lindol na nangyari sa kalaliman ng gabi ay gumulat sa mga residente sa lugar.
Stones of a wall that fell to the ground due to an earthquake are pictured at “The Village of Ishigaki (stone wall)” in Ainan Town, Ehime Prefecture on April 18, 2024. An earthquake with an estimated magnitude of 6.4 jolted the western areas of Ehime and Kochi prefectures at 11:14 p.m. 17th, according to the Japan Meteorological Agency. The quake measured lower 6 on the Japanese seismic intensity scale of 7 in Sukumo, Kochi Prefecture and Ainancho, Ehime Prefecture. ( The Yomiuri Shimbun ) / Osamu Kanazawa / Yomiuri / The Yomiuri Shimbun via AFP
Nasa ibabaw ng apat na major tectonic plates sa kahabaan ng western edge ng Pacific Ring of Fire, ang Japan ay isa sa pinaka-tectonically active na mga bansa sa buong mundo.
Ang pinakamalakas na naitalang lindol sa Japan ay ang napakalaking 9.0-magnitude na lindol sa ilalim ng dagat noong March 2011 sa hilagang-silangang baybayin ng bansa, na nagdulot ng isang tsunami na nag-iwan ng 18,500 patay o nawawala.
Ang lindol ding ito ang naging sanhi upang mag-meltdown ang tatlong reactors sa Fukushima nuclear plant, na naging pinakamalalang post-war disaster sa Japan at pinakagrabeng nuclear accident mula nang mangyari ang sa Chernobyl.
Sa kabila ng mas mahigpit na building guidelines, maraming mga istraktura, partikular yaong mga nasa labas ng pangunahing mga lungsod, ay matatanda at mahihina na.
Sa nangyaring 7.5-magnitude na lindol nito lamang Enero uno ngayong taon na tumama sa Noto Peninsula, ay mahigit sa 230 katao ang namatay na ang karamihan ay dahil sa pagguho ng matatanda nang mga gusali.