Walo patay, 11 nasaktan sa pagsabog sa Brazil
Walo katao ang namatay at 11 iba pa ang nasaktan sa serye ng silo explosions sa kinaroroonan ng isang agricultural cooperative sa southern Parana state ng Brazil.
Ayon sa mga awtoridad, ang mga pagsabog ay naganap sa C. Vale agro-industrial company na nasa munisipalidad ng Palotina.
Sinabi ni Parana fire brigade spokesman Tiago Zajac, “There was an explosion in one of the silos that triggered a second and a third.”
Makikita sa video na na-i-share sa social media at nai-broadcast ng news outlets, ang isang malawak na hanay ng puting usok na nagmumula sa site, at ayon sa mga residente ng Palotina, nakaramdam sila ng pagyanig habang ang mga bintana sa ilang tahanan ay sumabog.
Sa isang pahayag ay kinumpirma ng C. Vale, isang pangunahing producer ng soybeans, trigo at mais, “A large-scale accident hit our central grain reception unit in Palotina due to causes yet to be determined.”
Sinabi naman ng may-ari ng kompanya na si Alfredo Lang, na “nabigla siya sa trahedya,” at idinagdag na tinutukoy na ng isang technical team ang mga sanhi nito.
Ilang dosenang mga pamatay sunog ang ipinadala na sa munisipalidad na mayroong halos 30,000 libong naninirahan.
Nagpaabot na rin ng kaniyang pakikiramay si Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva sa mga trabahador at kanilang mga pamilya.