Walo patay sa sunog sa isang gusali sa Moscow
Walo katao ang nasawi nang masunog ang isang 15-palapag na gusali sa Moscow sa nakalipas na magdamag, makaraang mag-malfunction ang isang fire alarm.
Sinabi ng isang ahensiyang nag-iimbestiga sa criminal acts, sumiklab ang sunog sa isang distrito sa bahaging timogsilangan, at idinagdag na apat katao ang na-ospital.
Ayon sa emergency services, nagsimula ang sunog sa ground floor ng gusali, at ang apoy ay napatay makalipas ang hatinggabi, higit naman sa 200 katao ang inilikas.
Sinabi ng isang senior emergency official, na nag-malfunction ang isang fire alarm sa isang hostel kung saan na-trap ang mga taong nasa loob dahil lahat ng mga bintana ay may rehas na bakal.
Kaugnay nito ay binuksan ang isang criminal negligence case.
Ang mga gusali sa Russia ay regular na tinatamaan ng sunog at gas leaks na isinisisi sa poor maintenance, hindi magandang imprastraktura o kapabayaan.
© Agence France-Presse