Walong Court of Appeals Justices at Court Administrator Jose Midas Marquez pasok sa shortlist ng JBC para sa binakanteng pwesto sa Korte Suprema ni Ombudsman Samuel Martires
Inilabas na ng Judicial and Bar Council ang shortlist para sa binakanteng puwesto sa Korte Suprema ni dating Associate Justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martires.
Sinabi ni Justice Secretary at JBC ex officio member Menardo Guevarra, pasok sa shortlist sina Court of Appeals Justices Japar Dimaampao at Ramon Garcia na nakakuha ng tig-anim na boto, CA Justices Manuel Barrios, Apolinario Bruselas Jr. ,at Rosmari Carandang na mayroong tig-limang boto, at CA Justices Edgardo delos Santos, Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro-Javier at Court Administrator Jose Midas Marquez na may tig-apat na boto.
Ang shortlist ay isusumite ng JBC sa Malacañang para pagpilian ni Pangulong Duterte ng kanyang susunod na appointee sa Korte Suprema.
Mayroong 90 araw ang Pangulo para makapili ng bagong mahistrado mula nang mabakante ang posisyon.