Walong palapag na gusali ipatatayo ng QC government
Sisimulan na ng Quezon City government ang pagpapatayo ng walong palapag na gusali sa Barangay Bagbag QC.
Tatawagin itong Bagbag Integrated High School.
Kaugnay nito, pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang groundbreaking ceremony.
Ayon sa City government, ang gusali na itatayo ay magkakaroon ng 50 at dalawang mga classrooms at 12 mga laboratories para sa Science, Physics, Chemistry, Speech at Computer subjects na magagamit ng mga mag-aaral na papasok sa naturang paaralan.
Bukod dito, mayroon din itong 284-seating capacity auditorium, mga library para sa Junior at Senior High-school, at school cafeteria.
Mayroon din itong isang makabagong Rainwater Catchment System.
Binigyang diin ni Belmonte na sa kabila ng pandemya, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga QC residents na dito ay kabilang ang pang edukasyon, pabahay, at maging sa aspetong pangkalusugan.
Belle Surara