Walong pulis mula sa EPD, kinasuhan kaugnay ng ilegal na operasyon sa Las Piñas City

0
CHARGED EPD COPS

The NCRPO on Friday (April 11, 2025) said state prosecutors found probable cause to file robbery and kidnapping charges against the suspects. (Photo courtesy of DILG)

Nakasumpong ng probable cause ang state prosecutors para kasuhan ang walong miembro ng Eastern Police District (EPD), na umano’y nagnakaw ng 85-milyong piso sa isang Chinese trader nang magsagawa ang mga ito ng hindi awtorisadong operasyon sa Las Piñas City.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Maj. Gen. Anthony Aberin, na naghain ng reklamong kidnapping ang Office of the City Prosecutor sa korte at dalawang bilang ng pagnanakaw laban sa walong suspek, na pawang mga miyembro ng District Special Operations Unit (DSOU) ng EPD.

Nagmula ang reklamo sa isang operasyon kung saan ang walo ay nagsilbi ng bogus na arrest warrant laban sa biktima noong april 2.

Ayon sa biktima at kaniyang mga kaanak, isinara ng mga pulis ang kanilang closed-circuit television (CCTV) camera, puwersahang binuksan ang kanilang vaults, at kinuha ang mga pera na Philippine peso, US Dollar, at Malaysian Ringgit ang currency, pati na rin ang mga alahas, gadgets at iba pang personal na mga pag-aari na nagkakahalaga ng P85 milyon.

Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, na ang sinibak na DSOU commander, na si Maj. Emerson Coballes, ay ibinilang nang AWOL (absent without official leave) matapos mabigong sumunod sa return to work order mula sa NCRPO.

Si Coballes ay hindi nagreport sa trabaho makaraang matuklasan ng NCRPO na ang raid sa bahay ng Chinese businessman ay may layuning pagnakawan ito, dahil ang dayuhan ay hindi tumugma sa description ng lalaking subject ng arrest warrant.

Sinabi ni Aberin, na ang reklamo laban kay Coballes ay nakatakdang sumailalim sa preliminary investigation sa April 22 at 29.

Ang walong pulis ay nakaditini na sa Las Piñas City custodial facility, at mahaharap sa magkakahiwalay na administrative charges na maaaring magresulta sa kanilang dismissal sa serbisyo sakaling mapatunayang guilty.

Sinabi ng PNP Internal Affairs Service, na palalawakin pa nila ang kanilang imbestigasyon sa iba pang police personnel na sangkot sa insidente.

PNA

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *