All-out war sa mga rebelde sa MILF, isa umano sa nag udyok ng mas malakas na digmaan-Sen. JV Ejercito

Naniniwala si Senador JV Ejercito na palpak at hindi tugon ang inilunsad na All-out war noon ng gobyerno laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation front o MILF.

Ang administrasyon ni noo’y dating Pangulong Joseph Estrada ang nag-utos ng all-out war laban sa MILF sa Camp Abubakar.

Katunayan, naging madugo ang mga labanan pero wala pa rin ang inaasam na kapayapaan sa Mindanao.

Napapanahon na aniya para subukan ng gobyerno ang iba pang alternatiibong hakbang gaya ng panukalang Bangsamoro Basic Law ( BBL) na siyang magbibigay ng kaunlaran at tuloy tuloy na kapayapaan sa Mindanao.

 

Ulat ni Meanne Corvera

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *