Warriors abante na sa NBA finals matapos talunin ang Dallas
Umiskor ng isang game-high 32 points si Klay Thompson, habang umabante na ang Golden State Warriors sa NBA Finals para sa ika-nim na pagkakataon sa walong seasons nang talunin ang Dallas sa score na 120-110.
Napanalunan ng Warriors, na target ang ika-apat na titulo sa walong kampanya, ang best-of-seven Western Conference finals 4-1 at nakakuha na ng puwesto sa title showdown sa June laban sa Boston Celtics o Miami Heat.
Ang Celtics naman ay may isang 3-2 series lead sa ika-anim na game ng Eastern Conference finals sa Boston.
Nakuha ng Golden State ang NBA crowns noong 2015, 2017 at 2018 matapos talunin ang Cleveland Cavalers na pinangungunahan ni LeBron James, nguni’t natalo sila sa finals noong 2016 sa Cavaliers at noong 2019 sa Toronto.
Ayon sa Golden State guard na si Stephen Curry, na pinangalanang Most Valuable Player ng Western Conference playoff . . . “This is a blessing for us to get back here, to get back where we belong.’
Gumawa ng 18 puntos at 10 recounds si Andrew Wiggins para sa Warriors habang nagdagdag naman si Draymond Green ng 17 points at nine assists, si Jordan Poole ay umiskor ng 16 points, si Curry ay nagdagdag ng 15 points at nine assists, at si Kevon Looney ay gumawa rin ng 10 points at 18 rebounds.
Ang Warriors ay hindi pa natalo sa playoff game sa kanilang home court ngayong season, ang unang post-season run sa bago nilang arena sa San Francisco makaraang iwanan ang luma nilang home court sa Oakland.
Ayon kay Curry . . . “It’s special to do it in our new building. This isn’t the ultimate goal but we’ve got to celebrate this for all we went through the past three years.”
Matapos mapalampas ang playoffs sa nakalipas na dalawang season habang nagre-build, muling naglalaro ang Warriors para sa tropeo kasama ang champion core stars na sina Curry, Thompson at Green.
Sinabi ni Green . . . “This one is special because this is a group no one thought would ever be back here. This group put the work in every day and we’re here. We’re back.”
Ito na ang ika-anim na sunod-sunod na trip sa NBA Finals para kay Thompson, na hindi nakapaglaro sa buong 2019-20 campaign dahil sa left knee surgery at maging sa buong 2020-21 season sanhi naman ng torn Achilles tendon.
Aniya . . . “I’m so happy to be back. I’m thankful for this team. I can’t believe we’re back. We’ve still got four more to go.”
Ang Mavericks ay hindi pa nakarating sa NBA Finals simula nang makuha ang titulo noong 2011.
Umiskor ng 28 points ang Slovenian star guard na si Luka Doncic kasma ang siyam na rebounds at anim na assists para pangunahan ang Mavericks, habang si Spencer Dinwiddie naman ay nagdagdag ng 26 points.
Ayon sa coach ng Mavericks na si Jason Kidd . . . “We didn’t play our best game but we accomplished a lot. We’ve laid a foundation. Now we can start building.”
© Agence France-Presse