Warriors at Curry kapwa wagi sa NBA
LOS ANGELES, United States (AFP) – Nakuha ni Stephen Curry ang kaniyang 2nd NBA scoring title, matapos maka-score ng 46 points habang nakuha naman ng Golden State Warriors ang ika-6 nilang sunod na panalo nang talunin ang Memphis Grizzlies sa score na 113-101, sa kanilang laro sa San Francisco.
Tinapos ni Curry ang regular season sa pamamagitan ng isang 32.0-point scoring average, kaya sa kanya napunta ang titulo at hindi kay Bradley Beal ng Washington na naka-score lamang ng 25 points at natapos sa 31.1 points per game.
Ayon kay Curry . . . “I had a lot of good looks all night. We were in sync. The guys set great screens for me.”
Sa edad na 33, si Curry ang pang-apat na pinakamatandang manlalaro na nakakuha ng scoring title na nakuha din niya noong 2016.
Si Curry ay naka-score ng 17 sa kaniyang game-high 46 points sa ikatlong quarter, habang nakopo naman ng Warriors ang Western Conference number eight spot sa play-in tournament sa linggong ito.
Makakalaban naman ng Golden State sa Miyerkoles, kung hindi ang Portland ay ang Los Angeles Lakers, na kapwa naglaro rin nitong Linggo.
Tungkol sa kaniyang teammates, sinabi ni Curry . . . “It is just confidence and the expectation and ability to know they are going to have opportunities. If I get a lot of attention we move the ball, they are out there to make plays.”
Si Andrew Wiggins ay nag-ambag ng 21 points at 10 rebounds, habang na-miss naman ni Draymond Green ang isang triple-double pero nakagawa ng 14 points, 9 na rebounds at isang game-high-tying nine assists.
Nag-ambag din ng team-high 11 rebounds si Kevin Looney para sa Warriors.
Sa koponan ng Memphis ay nag-ambag ng 29 points, at 16 rebounds si Jonas Valanciunas, si Brooks ay 18 points habang si Ja Morant ay 16 points, at 9 assists naman ang naiambag para sa Grizzlies.
@ Agence France-Presse