Warriors lamang nang makapasok sa finals matapos daigin ang Mavericks
Kapwa nagningning si Stephen Curry at Andrew Wiggins, habang papalapit na ang Golden State Warriors sa NBA Finals nitong Linggo (Lunes sa Maynila), matapos talunin ang Dallas Mavericks sa score na 109-100.
Ang clinical performance ng Warriors ang nagbigay sa team ni Steve Kerr ng 3-0 lead sa best-of-seven Western Conference finals series.
Wala pang team sa 75-taong kasaysayan ng NBA ang matagumpay na nakagawa ng isang 3-0 series deficit sa playoffs.
Pinangunahan ni Curry ang Warriors sa pamamagitan ng kaniyang 31 points, 11 assists at five rebounds habang si Wiggins ay mayroon namang 27 points at 11 rebounds.
Malaki rin ang ambag ni Klay Thompson na 19 points, habang tig sampu naman sina Draymond Green at Jordan Poole.
Muli namang nagpamalas ng galing si Luka Doncic para sa Dallas matapos umiskor ng 40 points, pero kailangan pa ng Slovenian star ng dagdag na himala para pigilan ang Warriors na maka-abante sa isang NBA finals showdown laban sa Boston o Miami.
Ayon kay Curry . . . “That was just a great team win. When you’re up 2-0 and you win on the road, it gives you a stranglehold and control of the series. That’s huge. We obviously know that the job’s not done, but it’s a good feeling to know that we can play with house money on Tuesday (in game four) and try and get the job done.”
Ang Game Four ng serye ay gaganapin sa Dallas sa Martes.