Warriors natalo ng 53 points, Raptors nakamit ang kanilang historic win
LOS ANGELES, United States (AFP) – Ipinagdiwang ni Pascal Siakam ang kaniyang ika-27 kaarawan sa pamamagitan ng isang season-high 36 points, at nakuha naman ng Toronto Raptors ang kanilang franchise history win sa score na 130-77 kontra Golden State Warriors.
Ang Warriors ay natalo ng 53 points, laban sa Raptors sa ika-anim nilang pagkatalo sa huli nilang pitong contest.
Ayon sa Warriors coach na si Steve Kerr . . . “You saw it, we just got destroyed. Not a whole lot to be said. Humiliating for everybody involved.”
May sarili ring problema ang Raptors, kung saan ikalawang panalo pa lamang nila ito sa nakalipas na 15 laro.
Ayon kay Siakam . . . “Losing is not fun, and anything that lifts us out of that is good,”
Si Stephen Curry ay hindi na nakapaglaro ilang oras bago ang tipoff dahil sa kaniyang bruised tailbone, habang si Draymond Green naman sy hindi rin nakapaglaro dahil sa sprained finger. Bago ito ay hindi na rin nakapaglaro sa limang games si Curry bago bumalik para sa huling dalawang games.
Sinabi ni Kerr . . . “I just think the game went south on us quickly and we got demoralized. I think without Steph and Draymond out there I think we were a little bit rudderless when things went south. We didn’t have the internal fight that we needed to kind of get over the hump.”
Naungusan ng Raptors ng 51 points ang Warriors sa second at third quarters, ang pinakamalaking point differential sa higit dalawang quarter sa NBA game history. .
Ayon kay Kerr . . . “As a coach, you try to navigate the season with your team as best you can. So there’s times for humour, there’s times for joy, there’s times for serious discussion and soul searching. This is a time for soul searching for sure.”
Ang Raptors ay nakaiskor ng 35 kontra 16 ng Warriors 35-16 sa second quarter at 46-14 naman sa third, para magkaroon ng 108-56 lead.
Si Siakam ng Raptors ay nakagawa rin ng seven rebounds at five assists, habang si Gary Trent, ay natapos ng may 24 points. Nag-ambag naman ng 21 points si OG Anunoby sa walo ng 12 shooting.
Meron ding 16 points si Malachi Flynn, habang si Chris Boucher ay may 10 points, six rebounds at four steals.
Pinangunahan naman ni Andrew Wiggins ang Golden State sa pamamagitan ng 15 points, habang si Jordan Poole at Nico Mannion ay kapwa nakagawa ng 10 points.
© Agence France-Presse