Warriors tumabla na sa No. 2 spot sa Western Conference

Stephen Curry of the Golden State Warriors celebrates after making a 3-point basket to break Ray Allen’s record for the most all-time against the New York Knicks during their game at Madison Square Garden on December 14, 2021 in New York City.
Al Bello / Getty Images / AFP

Pinatumba ng Golden State Warriors ang Washington Wizards sa score na 126-112, sa pangunguna ni Stephen Curry na humakot ng 47 points.

Gumawa si Curry ng pitong triples, habang nagdagdag din si Klay Thompson at Jordan Poole ng tig-20 puntos para sa Warriors.

Dahil sa panalo ay tabla na ngayon ang Golden State sa Memphis Grizzlies sa No. 2 spot sa Western Conference, na pinangungunahan ng Phoenix Suns sa No. 1 spot.

Para naman sa Wizards ay 25 puntos ang iniambag ni Kristaps Por­zingis, habang nakatulong din ang 19 points ni Kenata­vious Caldwell-Pope.

Sa Salt Lake City naman ay pinangunahan ng 30 points at 14 rebounds ni Giannis Antetokounmpo, ang panalo ng dumidepensang Milwaukee Bucks kontra Utah Jazz sa score na 117-111.

Dahil dito ay namalagi ang Bucks sa No. 2 spot sa Eastern Conference, kasunod ng nangungunang Miami Heat na nasa No. 1 spot.

Please follow and like us: