Warriors, wagi laban sa Timberwolves
Umiskor si Stephen Curry ng 25 puntos at ang Golden State Warriors ay nagparada ng mainit na simula sa 137-114 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.
Nagdagdag si Curry ng 11 rebounds at walong assists habang si Draymond Green ay nagposte ng kanyang unang double-double ng season na may 19 puntos at 11 assists.
Ang Warriors, na determinadong makabawi ay nagpasabog sa pamamagitan ng isang 17-0 scoring run patungo sa 47 first-quarter points at 20-point lead pagkatapos ng unang period.
Umangat sila ng 20 patungo sa fourth bagama’t ang Timberwolves, sa pangunguna ng 26 puntos mula kay Anthony Edwards na may 21 mula kay Karl-Anthony Towns, ay pinutol iyon sa kalahati sa nalalabing 5:31.
Tumugon naman ang Golden State, kung saan naubos ni Curry ang three-pointer bago nag-steal si Klay Thompson at gumawa ng isa pang three-pointer para itulak ang kanilang lead pabalik sa 19.
Anim na Warriors players ang nagtapos sa double figures, si Thompson ay nagposte ng 21 at si Jordan Poole ay nagdagdag ng 24.
Ayon kay Thompson, “I think what really propelled us that first half, especially defensively, is not fouling. As simple as it sounds, it has us playing at such a higher level. Our defense obviously fuels our offense, getting out in transition, hitting the open man. And it’s crazy how when we play simple basketball, it’s a thing of beauty.”
Susubukan naman ng Warriors na mag-build pa ng “momentum” sa sandaling bumiyahe na sila patungong Dallas para sa Western Conference finals rematch ngayong Martes.
© Agence France-Presse