Wastong pagsusuot ng face mask at face shield ipinatutupad na sa San Jose, Del Monte, Bulacan
Mahigpit nang ipinatutupad ang wastong pagsusuot ng face mask at face shield sa buong San Jose Del Monte sa Bulacan, bilang pag iingat sa sakit na COVID-19 at maiwasan ang hawaan.
Ang mga lalabag sa ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa, batay na rin sa provincial ordinance no. 89 – 2020.
Isang libong piso sa unang paglabag, tatlong libong piso sa ikalawang paglabag at limang libong piso sa ikatlong paglabag, at maaring makulong ng hindi bababa sa isang buwan o higit pa sa dalawang buwan, depende sa hatol ng korte.
Pinapayuhan din ang lahat na panatilihin ang hindi bababa sa isang (1) metrong distansya mula sa ibang mga tao, habang nasa pampublikong lugar at transportasyon.
Mahigpit ding ipinatutupad ang provincial-wide curfew na alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Ang mga lalabag ay may kaukulan ring multa at parusa batay sa provincial ordinance no. 87 – 2020.
Isang libong piso sa unang paglabag, tatlong libong piso sa ikalawang paglabag at limang libong piso sa ikatlong paglabag, at maaring makulong ng hindi bababa sa isang buwan o higit pa sa dalawang buwan, batay sa hatol ng korte.
Cez Rodil