Watawat ng Russia at Belarus, ipinagbawal sa Australian Open makaraang magprotesta ng Ukraine
Ipinagbawal ng Tennis Australia nitong Martes, ang mga watawat ng Russia at Belarus sa Australian Open makaraang humingi ng aksyon ang ambassador ng Ukraine, matapos iyong makita sa kalipunan ng mga manonood.
Ang red, white at blue stripes ng Russia ay nakitang iwinagayway ng fans nitong Lunes, sa first-round match sa pagitan ni Kateryna Baindl ng Ukraine at ni Kamilla Rakhimova ng Russia sa unang araw ng Australian Open, kaya’t may tumawag ng security.
Isa ring watawat ng Russia ang iwinagayway sa Rod Laver Arena sa panahon ng laban ni Daniil Medvedev ng Russia at ni Marcos Giron ng America.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Tennis Australia, “Flags from Russia and Belarus are banned onsite at the Australian Open. Our initial policy was that fans could bring them in but could not use them to cause disruption. Yesterday, we had an incident where a flag was placed courtside. The ban is effective immediately. We will continue to work with the players and our fans to ensure the best possible environment to enjoy the tennis.”
Simula nang lusubin ng Russia ang Ukraine, ang Russian at Belarusian players ay normal na nagko-compete sa ilalim ng isang neutral white flag bilang independents, gaya ng sa Australian Open.
Nitong Lunes ay tinawag ng ambassador ng Ukraine sa Australia at New Zealand na si Vasyl Myroshnychenko, ang pansin ng Tennis Australia upang gumawa ng hakbang.
Sa kaniyang tweet ay nakasaad, “I strongly condemn the public display of the Russian flag during the game of the Ukrainian tennis player Kateryna Baindl at the Australian Open. I call on Tennis Australia to immediately enforce its ‘neutral flag’ policy.”
Noong nakaraang linggo ay hinimok ni Myroshnychenko ang Australian Open na tuluyan nang i-ban ang Russian at Belarusian players. Ang Belarus, ay dahil sa pagsuporta nito sa giyera ni Vladimir Putin.
Ginawa na ito ng Wimbledon noong nakaraang taon, kung saan ang mga manlalaro mula sa dalawang bansa ay pinagbawalang lumahok, na nagresulta upang alisin ng ATP at WTA ang ranking points sa torneo.
Binatikos din ng dating ambassador ng Australia sa Ukraine na si Doug Trappett, na nagsilbi sa tungkulin mula 2015 hanggang 2016, ang mga organizer ng Australian Open.
Ayon sa kaniyang tweet, “Embarrassing @AustralianOpen, and it’s only day one. You could have banned Russian players and positioned yourself to give a robust response to such predictable incidents but you chose spinelessness.”
Si Baindl ay nagwagi sa score na 7-5, 6-7, (8/10), 6-1 at susunod na makakaharap ang Amerikanong si Caty McNally sa second round.
Inamin naman ng Ukrainian-Australian fan na si Maria Tumarkin, na siya ang tumawag ng security sa pagsasabing tinutuya kasi ng Russian fans si Baindl.
Aniya, “This is profoundly unsafe, the war is ongoing,” she said. “It’s a small court, the guys were extremely close to the players, so there was an element of what I felt was intimidation.”
Sinabi naman ng Belarusian world number five na si Aryna Sabalenka, na hindi siya tutol sa pag-ban ng Tennis Australia sa kanilang watawat, “if everyone feels better this way, but I felt that the sport is nothing to do with politics”.
Dagdag pa ni Sabalenka, na kabilang sa mga manlalarong naapektuhan ng ban sa Wimbledon noong isang taon, “I have zero control on it. What can I say? They did it, okay, no flags.”
Nang natungin kung naiintindihan niya na nababalisa ang ilang Ukrainian fans na makakita ng watawat ng Russia o Belarus, sinabi niya, “I’m pretty sure they (are) upset about that, and, if Tennis Australia made this decision to make them feel better, okay.”
© Agence France-Presse