Water level sa Angat dam, patuloy sa pagbaba sa kabila ng malakas na buhos ng ulan kahapon
Hindi pa rin nadagdagan ang lebel ng tubig sa Angat dam sa kabila ng malakas na buhos ng ulan kahapon.
Ayon kay Danny Flores ng Pag-Asa Hydro-Meteorology Division, kahit malakas ang ulan ay napaikli naman ng durasyon ng pagbuhos nito at hindi man lang umaabot ng isang ora skaya hindi pa rin ito sapat para tumaas ang water level sa Angat dam.
Posible pa aniyang mare-charge ang mga dam kung malalakas at maghapon ang buhos ng ulan.
Samantala, nasa 159.09 ang water level ngayong araw sa Angat dam bumaba pa ito ng 34 meters.
Hindi pa naman narrating nito ang pinakamababang water level na naitala sa Angat dam noong 2010 na 157 meters.
Sakali namang umabot sa ganitong lebel ay depende na sa NWRB kung ano ang dapat gawin.
Umaasa na lang ang Pag-Asa na ang LPA na nasa loob ng teritoryo ng bansa ngayon ay makatulong sa Angat dam.
“Yung pag-ulan ay isang oras, dalawang oras, napakaikli ng pag-ulan na iyon. Pagka bumuhos ang kalakas na ulan tapos ganyan lang ang oras na ibinuhos nya, yung tubig nasasayang lang kumabaga andun lang siya sa ibabaw ng lupa at hindi sinisipsip ng lupa. Dapat ay sinisipsip ng lupa. Isa pang dahilan dyan ay posibleng hindi tumapat ang ulan sa water shed at kung tumapat man sa water shed ay mauuna pa rin ang lupa na simipsip sa tubig”.