Weekend shutdown ng MRT-3, tuloy simula Nov. 28 hanggang 30
Magpapatuloy ang scheduled weekend shutdown ng MRT-3 sa darating na ika-28 hanggang ika-30 ng Nobyembre 2020.
Ayon sa MRT-3 Management, ito ay bilang bahagi ng massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa bansang Hapon.
Magpapatupad ang pamunuan ng rail line ng temporary shutdown sa operasyon ng mga tren nito sa mga nasabing petsa upang magbigay-daan sa gagawing turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.
Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.
Noong ika-2 ng Nobyembre ay iniakyat na ng MRT-3 ang train running speed nito sa 50kph mula sa dating 40kph, bunga ng pagsasaayos na isinasagawa sa mga turnouts.
Target na maiakyat pa ito sa 60kph sa Disyembre, oras na matapos ang pagsasaayos.
(DOTR-MRT3)