Welga ng Boeing maaaring makapagpalala sa pandaigdigang kakulangan ng jetliner
Nagsagawa ng una nilang welga sa loob ng 16 na taon ang Boeing na maaaring lalong makapagpalala sa pandaigdigang kakulangan ng mga jetliner, magtulak pataas sa pamasahe sa eroplano at pumuwersa sa mga airline na gamitin pa ng mas matagal na panahon ang lumang mga jet.
Nagwelga ang West Coast workers ng Boeing sa U.S. hatinggabi ng Biyernes, makaraang mahigpit na tanggihan ang isang contract deal, na nagpahinto sa produksiyon ng workhorse 737 MAX ng Boeing.
Ito ang unang welga simula noong 2008, at nagbabala ang Chief Financial Officer ng Boeing na si Brian West na ang matagal na tigil trabaho ay makaaapekto sa kita ng kompanya at maglalagay sa panganib sa kanilang recovery.
Sinabi naman ni Ross O’Connor, chief financial officer ng Irish leasing company na Avolon makaraang i-anunsiyo na bumili ito ng malaking portfolio ng jets mula sa Castlelake, “Boeing is a systemically important company for global aviation. A strike could have an impact on production levels, which could exacerbate some of the supply shortages that are in the market at the moment for sure.”
Nahirapan ang mga airline na palawakin ang kapasidad upang matugunan ang tumataas na demand, dahil ang mga supply ng mga jetliner ay nababawasan sanhi ng mga kakulangan sa piyesa, mga problema sa recruitment sa buong industriya at overloading ng mga maintenance shop.
Nagbabala ang mga analyst na maaaring maubos ang pinakamahalagang bahagi ng ‘all-important business cycle’ ng industriya, bago magkaroon ng pagkakataon ang mga airline na tamasahin ang buong benepisyo ng demand.
Ayon kay Rob Morris, global head ng Cirium Ascend consultancy, “It’s going to be a significant amount of time before we see that balance. I’m starting to evolve the hypothesis that it won’t be (extra) supply that corrects it, but instead a softening of demand.”
Sinasabi ng ilan na ang mataas na air fares, bagama’t mabuti para sa mga airline sa maikling panahon, ay maaaring magpabilis sa ‘tipping point.’
Sinabi ng aviation economist na si Adam Pilarski, senior vice-president sa AVITAS consultancy, “My view is that (average fares) will rise; and when ticket prices go up, then all other things being equal, you have lower traffic levels.”
Boeing 737 MAX aircraft are assembled at the company’s plant in Renton, Washington, U.S. June 25, 2024. Jennifer Buchanan/Pool via REUTERS/File Photo
Habang itinigil na muna ng Boeing ang paggawa sa pinakamabenta nitong jet, ang European rival nitong Airbus ay nahihirapan din na maabot ang kaniyang target.
Nagpahayag naman ng pag-asa ang Airbus Chief Executive na si Guillaume Faury sa isang U.S. Chamber of Commerce conference na ginanap ngayong linggo, na makatutugon ang European planemaker sa kamakailan ay ibinabang target na 770 deliveries ngayong taon, kasunod ng isang profit warning at engine supply glitch noong summer.
Ngunit kasunod ng panandaliang pagtaas sa deliveries noong Hulyo, kinuwestiyon ng industry sources kung gaano madaling malalampasan ng pinakamalaking planemaker sa buong mundo ang 735 noong nakaraang taon.
Ang lumiliit na bilang ng mga eroplano sa imbakan at ang mataas na rekord ng paggamit sa mga lumang eroplano ay nagpapatunay ng kakulangan sa suplay.
Sa ngayon, ang mas mababang antas ng produksyon ng Boeing kumpara sa Airbus ay maaaring maglimita sa malubhang epekto ng welga. Gayunman, sinabi ng mga analyst na ang mga airline ay may maliit na pagkakataon lamang upang makapag-maniobra.
Dahil nauubusan na rin ng available capacity ang mga kompanyang nagpapaupa, kailangan ng mga carrier na gamitjn na lamang ng mas matagal ang kasalukuyang ginagamit na mga jet.
Sa malaking bahagi ng nakalipas na 15 taon, bumaba ang average na edad ng fleet dahil sinasamantala ng mga airline at leasing company ang mababang rate ng interes para mamuhunan sa mga bagong fuel-saving jet.
Ayon sa Cirium data, noong 2010, ang average na edad ng single-aisle jet fleet ay nasa 10.2 taon.
Sinabi ni Morris, “After dipping to 9.1 years during the pandemic as airlines grounded fleets, the age started growing again. It now stands at 11.3 years and still heading upwards. That is despite efforts to reach net zero emissions by 2050, which rely partly on modernizing the planes in service.”
Dagdag pa niya, “It must mean that we’re burning more CO2 than we should be because we’re using more old aircraft, so one of the things that can go wrong is sustainability.”
Tiwala naman ang airline industry, na maaabot nila ang target na net zero emissions sa 2050.