“West Side Story” hindi na muling magbubukas sa Broadway
NEW YORK, United States (AFP) – Hindi na muling magbubukas sa Broadway ang re-imagined version ng sikat na musical na “West Side Story.”
Ang revived production ay nagbukas noong Pebrero ng nakalipas na taon, subalit napilitang magsara makalipas lang ng isang buwan, dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa New York.
Ayon sa producer na si Kate Horton . . . “It is with great regret that we are announcing today that the 2020 Broadway revival of West Side Story will not reopen.”
Bunsod ng iba’t-ibang kadahilanan, sinabi ni Horton . . . “Reopening is not a practical proposition, but thanks to the brilliant and creative artists in the production who brought the story to life at the Broadway Theatre even for so brief a time.”
Ang Belgian director na si Ivo van Hove, ang nasa likod ng makeover ng 1957 musical.
Gayunman, hindi lamang ang pandemya ang problema, ang orihinal na producer na si Scott Rudin ay nagbigay daan kay Horton para pumalit sa kanya kasunod ng mga alegasyon ng workplace harassment.
At isa sa mga pangunahing aktor na si Amar Ramasat, ay sangkot din sa mga alegasyon ng hindi naaangkop na pag-uugali, kahit noong siya ay bahagi pa ng New York Ballet Troupe ilang taon na ang nakalilipas.
Inanunsyo ng mga teatro sa Broadway na nakatakdang magbukas sa Setyembre, na magiging requirement na sa lahat ng kanilang production members at maging sa mga audience na magpabakuna.
Magkakaroon naman ng pagkakataon ang publiko na mapanood ang bagong bersiyon ng “West Side Story” sa mga sinehan sa Disyembre, sa ilalim ng direksiyon ni Steven Spielberg.
Agence France-Presse