WHO experts rekomendadong bigyan ng dagdag na bakuna ang mga may mahihinang immune system
Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) vaccine advisers, na dapat bigyan ng karagdagang dose ng WHO-approved Covid-19 vaccines, ang mga taong may mahinang immune systems.
Sinabi pa ng UN health agency experts, na dapat bigyan ng third dose ng vaccine, ang mga higit 60 anyos ang edad na nakakumpleto na ng bakuna ng Sinovac at Sinopharm ng China.
Binigyang diin ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunisation (SAGE), na hindi nito inirerekomenda ang dagdag na booster dose para sa kabuuan ng populasyon, na ginagawa na sa ilang mga bansa.
Nais ng WHO na magkaroon ng moratorium sa booster doses para sa general population hanggang sa katapusan ng taon, upang mai-prioritise ang first doses sa dose-dosena pang mga bansa na kulang ang natatanggap na bakuna.
Hindi nagawa ng 56 na estado ang target ng WHO na sa pagtatapos ng Setyembre ay kumpleto nang mabakunahan ang 10% ng populasyon ng bawat bansa, gayunman ay halos 90% ng mayayamang mga bansa ang nakatugon dito.
Ayon sa SAGE, rerepasuhin nito ang isyu ng general booster doses sa November 11.
Sa panahon ng pandemya, ilang Covid-19 vaccines ang binigyan ng WHO ng approval for emergency use gaya ng Pfizer-BioNTech, Janssen, Moderna, Sinopharm, Sinovac at AstraZeneca.
Lahat ito ay pawang two-dose vaccines, maliban sa Janssen.
Malapit na ring desisyunan ng WHO kung bibigyan ng emergency use listing (EUL), ang Bharat Biotech vaccine ng India.
Nitong nakalipas na linggo ay nagsagawa ng apat na araw na pagpupulong ang SAGE, para i-review ang pinakahuling impormasyon at datos sa ilang bakuna para sa Covid-19 at iba pang mga sakit.
Ayon sa WHO vaccines chief na si Kate O’Brien . . . “The extra dose now should be considered as part of the normal coronavirus immunisation course for people with weaker immune systems, to be administered after a wait of one to three months. It should bring their level of protection up to that demonstrated to prevent against severe disease, hospitalisation and death in clinical trials from which people with immunocompromised conditions were excluded.”
Sinabi naman ni SAGE secretary Joachim Hombach . . . “We have evidence of a more limited protection in the old population, particularly in the very old.”