WHO, nagbabala laban sa Omicron sa mga biyaherong hindi pa bakunado
Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang mga biyaherong hindi pa bakunado laban sa COVID-19, kabilang na ang mga lampas 60 taong gulang na huwag munang bumiyahe sa mga lugar na may community transmission, dahil ang umiiral ngayong blanket travel bans ay hindi makapipigil sa pagkalat ng Omicron variant.
Ang bagong Covid-19 variant of concern, na ayon sa WHO ay may mataas na banta sa buong mundoay nagbunsod upang maraming mga bansa ang magsara ng kanilang borders.
Ayon sa WHO . . . “Blanket travel bans will not prevent the international spread, and they place a heavy burden on lives and livelihoods. In addition, they can adversely impact global health efforts during a pandemic by disincentivising countries to report and share epidemiological and sequencing data.”
Unang napaulat wala pang isang linggo ang nakalilipas matapos ma-detect sa southern Africa sa unang bahagi ng Nobyembre, ang Omicron ay lumitaw na rin sa ilang mga bansa.
Ayon sa WHO, 56 na mga bansa na ang napaulat na nagpatupad ng travel measures noong Linggo upang maantala ang pagkalat ng bagong variant.
Sinabi ng ahensya, na maaaring magpatupad ng mga hakbang ang mga opisyal sa mga bansang pangagalingan ng mga biyahero at mga opisyal sa mga bansang pupuntahan ng mga ito, maaaring makapagpaantala o makapagpabawas sa “pag-export at pag-import” ng bagong variant. Maaaring kabilang sa mga ito ang pag-screen sa mga pasahero, testing at quarantine.
Dagdag pa nito . . . “It is expected that the Omicron variant will be detected in an increasing number of countries as national authorities step up their surveillance and sequencing activities.”
Kalaunan ay nag-isyu ang WHO ng pagwawasto sa pinal na bahagi ng kanilang travel advice, na may kaugnayan sa kung sino ang papayuhang magkansela ng kanilang biyahe at kung saan.
Ayon sa iwinastong advice . . . “Persons who have not been fully vaccinated or do not have proof of previous SARS-CoV-2 infection and are at increased risk of developing severe disease and dying, including people 60 years of age or older or those with comorbidities that present increased risk of severe Covid-19 (e.g. heart disease, cancer and diabetes) should be advised to postpone travel to areas with community transmission.”
Sa iba pang dako, nagpayo ang WHO sa mga bansa na gumamit ng isang “evidence-informed and risk-based approach” sa pagpapatupad ng mga panuntunan sa pagbiyahe.
Ayon sa ahensiya . . . “All measures should be commensurate with the risk, time-limited and applied with respect to travellers’ dignity, human rights and fundamental freedoms. Essential international travel including for humanitarian missions, repatriations and transport of vital supplies, should always be prioritised during the pandemic.”
Nitong martes ay pinayuhan ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang mga bansang kasapi sa ahensiya na manatiling kalmado at gumawa ng makatwirang mga hakbang bilang tugon sa Omicron.
Aniya . . . “We call on all member states to take rational, proportional risk-reduction measures. The global response must be calm, coordinated and coherent. It remains unclear how dangerous the variant is. We still have more questions than answers about the effect of Omicron on transmission, severity of disease, and the effectiveness of tests, therapeutics and vaccines.”
Sinabi ni Tedros na na nauunawaan niya na nais ng mga bansa na protektahan ang kani-kaniyang mga mamamayan laban sa isang variant na hindi pa lubos na nauunawaan ng mundo. Ngunit nababahala rin siya na maraming mga miyembrong estado ang nagpapatupad ng mga walang kwentang hakbang na hindi batay sa ebidensya o epektibo, na magpapalala lamang sa hindi pagkakapantay-pantay. (AFP)