Wikang Filipino, mananatili pa ring bahagi ng kurikulum ng Department of Education
Mananatili pa ring bahagi ng Curriculum ng Department of Education (Deped) ang wikang Filipino o ang ating National Language.
Ito ay matapos ang pagkatig ng Korte Suprema sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum order 20 na nagtatanggal sa wikang filipino at panitikan bilang mandatory subjects sa kolehiyo.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Education secretary Leonor Briones, may desisyon man o wala ang kataas-taasang hukuman, hindi maaaring alisin ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng Deped.
Maliban dito, mayroong youth development program ang Deped kung saan itinuturo ang Philippine History, Nationalism, mga awitin at panitikang pambansa.
Maaari rin namang palawakin pa ang pagtuturo ng panitikan gaya pagtangkilik sa mga sariling awiting filipino at sining, drama, tulain, mga katutubong sayaw at mga pelikulang Filipino.
“May supreme court decision or not, may decision ang CHED or not, eh talagang bahaging-bahagi ang panitikang Filipino o ang National Language. Pwede naman natin i-enhance o i-enrich at ini-encourage natin hindi lang ang mga libro kundi mga pelikula, mga musical, drama, poetry, dance. Lahat yan ina-articulate in the Filipino language”.- DepEd secretary Leonor Briones