Wildfires sa Western Canada, nagresulta sa mas marami pang paglikas
Nagresulta sa mga bagong evacuation order ang kumakalat na wildfires sa Western Canada, habang nakapagtala naman ang mga awtoridad ng higit 100 active blazes.
Humigit-kumulang 30,000 katao ang inatasang lisanin na ang kanilang tahanan sa Alberta, kung saan higit sa dalawang dosenang sunog ang hindi pa rin nakokontrol.
Tinawag naman ni Alberta Premier Danielle Smith ang sitwasyon na “unprecedented,” kaya nagdeklara na ito ng isang state of emergency noong Sabado.
Aniya, “The province — one of the world’s largest oil-producing regions ‘has been experiencing a hot, dry spring and with so much kindling,’ all it takes is a few sparks to ignite some truly frightening wildfires.”
Sinabi naman ni Christie Tucker, isang tagapagsalita sa wildlife agency ng Alberta, “Light scattered showers in the southern part of the province on Sunday allowed firefighters to approach previously unreachable areas due to extreme wildfire behavior. Conditions in the north of the province remained very difficult. Our priorities today have been and always are wildfires that are threatening communities or human lives.”
Ayon kay Alberta Emergency Management chief Colin Blair, “It was difficult to assess the amount of property loss in some areas due to ongoing smoke and fire conditions.”
Sa Fox Lake na nasa hilaga ng Alberta, sinira ng malaking sunog ang 20 mga bahay, isang tindahan at isang istasyon ng pulis, at ilan sa mga residente ay kailangang ilikas sa pamamagitan ng bangka at helicopter.
Dalawang hindi makontrol na wildfires sa katabing British Columbia ang nagresulta sa paglikas ng mga tao mula sa kanilang tahanan, kung saan nagbabala ang mga awtoridad na inaasahang itutulak paitaas ng malalakas na hangin ang sunog sa mga darating pang araw.
Nitong nakalipas na mga taon, ang western Canada ay tinamaan ng matitinding sama ng panahon.
Ang forest fires sa oil sand region ng Canada noong 2016 ang nagpatigil sa produksiyon at pumuwersa sa 100,000 mga residente na umalis mula sa Fort McMurray, na nagpahina sa ekonomiya ng bansa.
At noon namang 2021, dumanas ang westernmost British Columbia province ng record-high temperatures noong summer na ikinasawi ng mahigit sa 500 people, maging ng wildfires na sumupok sa isang buong bayan.
Sinundan ito ng mapaminsalang mga pagbaha at mudslides.
© Agence France-Presse