Will Smith sampung taong ban sa Oscars ceremonies
Inihayag ng Academy of Motion Picture Arts and Science, na bawal nang dumalo ang aktor na si Will Smith sa Oscars para sa susunod na sampung taon, matapos niyang sampalin ang komedyanteng si Chris Rock sa stage.
Binawalan din si Smith na dumalo sa alinmang iba pang events na gagawin ng pangunahing film group ng Hollywood sa susunod na dekada, nguni’t hindi pa napagdesisyunan ng board kung babawiin ang best actor Oscar na napalunan ng aktor noong nakaraang buwan para sa pelikulang “King Richard.”
Sa isang liham ay sinabi ni president David Rubin at CEO Dawn Hudson . . . “The Board has decided, for a period of 10 years from April 8, 2022, Mr. Smith shall not be permitted to attend any Academy events or programs, in person or virtually, including but not limited to the Academy Awards.”