Wimbledon campaigns inilunsad na nina Djokovic at Murray
Sinimulan na ng Wimbledon greats na sina Novak Djokovic at Andy Murray ang kani-kaniyang kampanya sa All England Club ngayong Martes, makaraang kapwa sumailalim sa operasyon.
Si Djokovic, na sumailalim sa isang knee operation makaraang umatras bago ang kaniyang French Open quarter-final, ay naghahabol sa isang record-equalling eighth men’s Wimbledon title, at nagsimula ng kaniyang kampanya laban sa Czech qualifier na si Vit Kopriva.
Si Murray naman ng Britanya, na isang two-time champion, ay isa ring Czech ang makakaharap sa katauhan ni Tomas Machac, halos isang linggo lang makaraan niyang operahan para alisin ang isang cyst mula sa kaniyang spine.
Makikita rin sa aksiyon sa ikalawang araw ng Championships ang women’s world number one at five-time Grand Slam champion na si Iga Swiatek, na maigting ang paghahangad na umabante sa semi-finals.
Idineklara ng world number two na si Novak Djokovic ang kaniyang sarili na “pain-free,” kasunod ng mga pangamba na hindi siya makapaglalaro sa Wimbledon matapos operahan upang ayusin ang napunit niyang meniscus.
Hindi na kasi nakapaglaro ang Serbian mula nang mapilitan siyang umatras mula sa French Open bago ang huli niyang eight tie laban kay Casper Ruud.
Sa edad ngayong 37, alam niya na hindi pabor sa kaniya ang panahon na tangkaing pantayan ang Wimbledon record ni Roger Federer, at maging unang manlalaro, babae man o lalaki, na magkaroon ng 25 Grand Slam singles titles.
Habang nagsasanay nang may knee support noong Linggo ay sinabi ni Djokovic, “I have an incredible desire to play.”
Dumating siya sa London nang walang titulo sa kaniyang pangalan ngayong season, matapos maagaw ng 22-anyos an si Jannik Sinner ang kaniyang Australian Open crown at number one ranking.
Sa unang pagkakataon sa kaniyang career, ay makakalaban ng Serbian, na nakaabot sa nakalipas na limang finals sa Wimbledon, ang ranked 123rd na si Vit Kopriva.
Andy Murray trains ahead of Wimbledon / Glyn KIRK / AFP
Nakabitin naman sa ere ang katanungang kaya ba o hindi bago ang Wimbledon ng home hero na si Andy Murray na makapaglaro makaraan ang kaniyang operasyon, lampas lang ng isang linggo bago ang simula ng torneo.
Nais ng 37-anyos na tapusin ang kaniyang career sa pamamagitan ng paglalaro sa paparating na Paris Olympics, subalit masidhi ang kaniyang pagnanasa na magkaroon muna ng ‘final appearance’ sa London.
Nalaglag si Murray sa 113th sa world rankings ngunit lumilitaw na matutupad na ang kaniyang pangarap na isang ‘send-off’ sa Wimbledon, kung saan kasama rin siya sa maglalaro ng doubles kasama ang kapatid na lalaking si Jamie.
Nakatakdang harapin ng dating world number one ang 39th-ranked na si Tomas Machac sa Centre Court ngayong Martes.
Ayon kay Murray na nagwagi ng titulo sa Wimbledon noong 2013 at 2016, “I’m hoping maybe for a bit of closure. I just want the opportunity to play one more time out there, hopefully on Centre Court, and feel that buzz.”
Poland’s Iga Swiatek is on a 19-match winning streak / ALAIN JOCARD / AFP/File
Dumating naman ang world number one na si Iga Swiatek sa All England Club pagkatapos ng isang 19-match winning streak, ngunit may mga katanungan sa kung kaya ba niyang dalhin sa grass court ang kaniyang performance sa clay.
Si Swiatek, na nagwagi na ng limang tropeo ngayong taon, ay walang nilahukang warm-up tournament sa grass, at piniling umatras sa Berlin event upang magpahinga.
Ang kaniyang paglalaro sa quarter-final sa nakaraang taon ang itinuturing na ‘best performance’ niya sa Wimbledon.
Unang makakaharap ni Swiatek ay si Sofia Kenin, na tinalo niya sa first round ng Australian Open ngayong taon.
Ang 49th-ranked US player ay nahirapan ngayong taon ngunit may karanasan na ito sa ‘sharp end’ ng Grand Slams, kung saan nagawa niyang manalo sa 2020 Australian Open bago nabigo laban kay Swiatek sa final ng French Open ilang buwan pagkatapos.