Winning form ni Medvedev bumalik na makaraang matalo sa Australian Open final
Balik aksyon na si Daniil Medvedev sa unang pagkakataon mula nang matalo sa Australian Open final nitong Martes, Feb. 27, makaraan ang straight sets win laban kay Alexander Shevchenko sa Dubai.
Nakuha ng world number four na si Medvedev ang kaniyang title defense sa hardcourt ATP 500 event, nang daigin niya si Shevchenko sa score na 6-3, 7-5.
Tila binalewala ng Russian top seed ang isang buwan niyang pagkawala, na isa sa dahilan ay ang pagtatamo niya ng injury, at nagawang i-break ang kaniyang katunggali sa tatlong magkakasunod na return games sa unang set.
Noong Enero, SI Medvedev ay nakaabot sa ikalawa niyang Australian Open final. Tinalo siya ni Rafael Nadal sa Melbourne dalawang taon na ang nakalilipas, at nagkasya na lamang sa pagiging pangalawa ni Jannik Sinner nang talunin siya nito sa opening Grand Slam ng season.
Napilitan siyang ipagpaliban ang pagdipensa sa kaniyang titulo sa Doha noong nakaraang linggo, dahil sa ilang pisikal na isyu sa kaniyang paa, adductor, at balikat.
Sinabi ni Medvedev, “In general, to be honest, I am happy with my level, because it is not easy to come back after an injury. You always try to straight away put your game back, but its not easy and I’m happy to beat such a good opponent and am looking forward to the next round.”
Dagdag pa niya, “When you take a week or two off, but it’s something you planned, then it’s kind of easy tennis-wise, just a couple of points or games to get back. I did take a week and a half off by myself and then when I came back I started feeling pain here and there, not practising 100 per cent.”
Aniya, “It’s very tricky, because when you come into a match you have to forget about it and when you think about something other than tennis you are going to lose the match.”
Susunod namang makakaharap ni Medvedev si Lorenzo Sonego, na tumalo kay Sumit Nagal ng India sa score na 6-4, 5-7, 6-1.