Women’s Crisis Center ng Las Piñas LGU binuksan na
Binuksan na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang kauna-unahang Women’s Crisis Center sa buong Metro Manila, sa pangunguna ng alkalde at bise alkalde kasama ang mga department head.
Photo: LPC-PIO
Layunin nito na tulungan at ipagkaloob ang pangngailangan ng mga kababaihan at kanilang mga anak, na dumanas ng karahasan at pang-aabuso ng kalalakihan sa komunidad at mula sa kanilang pamilya.
Photo: LPC-PIO
Sa pakikipagtulungan ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) at ng pamahalaang lungsod, ang crisis center ay magbibigay ng pansamantalang matutuluyan, counceling, psychosocial services, recovery, rehabilitation program at livelihood assistance sa mga biktima.
Photo: LPC-PIO
Ang crisis center ng Las Piñas ay isang 24-hour residential care facility, at ang pananatili doon ng mga biktima ay maaaring tumagal ng anim na buwan hanggang isang taon, depende sa assessment ng social worker ayon sa intervention plan at maayos na pamamahalaan ng mga kinatawan ng siyudad.
George Gonzaga