Wooden Citroen 2CV, naipagbili sa halagang 210,000 euros
Isang Citroen 2CV na gawa sa kahoy, na sinasabing “one of it’s kind,” ang naibenta sa halagang 210,000 euros ($225,000) sa auction sa France — isang bagong record ng presyo para sa iconic na sasakyan.
Nahigitan ng naturang kotse, na gumagana at nakarehistro sa France, ang mga hindi inaasahan nang ito ay isailalim na sa auction sa gitnang bayan ng Tours nitong Linggo.
Ang 2CV, na ang katawan ay inukit ng mga kamay mula sa kahoy ngunit nagpapakita ng parehong sikat na kurba gaya ng post-war French classic, ay binili ng isang kolektor na nakabase sa Paris na nagmamay-ari ng museo ng vintage fairground attractions.
Sinabi ng buyer na si Jean-Paul Favand, “I’m having difficulty talking after this bet.”
Ang auction house ay nag-isyu ng isang guide price na 150,000-200,000 euros.
Idineklara ng auctioneer na si Aymeric Rouillac ang pagkakabenta sa naturang kotse na ‘record.’ Ang naunang record aniya para sa isang 2CV ay 172,000 euros.
Ang wings ng sasakyan ay gawa sa walnut, ang chassis ay pear at apple tree wood, habang ginamit naman ng karpinterong si Michel Robillard ang cherry para sa bonnet at boot nito.
Ayon kay Robillard,gumugol siya ng limang taon at tinatayang 5,000 oras sa pag-ukit sa kotse, na nagsimula noong 2011.
Aniya, “It’s like my daughter. I had three boys and this was my little daughter, and I had another ‘crazy project’ in mind for the next few years.”
Plano niya na gumawa ng isang wooden version ng isa pang French classic – ang Citroen DS, na sa 2025 ay magdiriwang na ng ika-70 taon ng pag-iral nito.
© Agence France-Presse