Word war sa pagitan ng Senado at Kamara, nagpapatuloy
Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo!
Yan ang panibagong banat ni Senador Imee Marcos laban kay House Speaker Martin Romualdez matapos nitong sabihing walang pakiaalam ang senado sa kanilang isinusulong na People’s Initiative.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms na pinamumunan ng Senadora, binatikos ng mga Senador ang anila’y pailalim na pagkilos ng mga Kongresista para itulak ang People’s Initiative.
Itinulad pa ni Marcos na isang sakit ang People’s Initiative na pansamantalang nagamot dahil sa desisyon ng Commission on Elections na ipatigil ang pag verify sa mga nakalap na pirma.
Para kay Marcos, kahit pinahinto na ng Comelec ang pagtanggap ng pirma para sa People’s Initiative, kailangang malinawan pa rin ano ang mangyayari sa mga pirmang naipasa na sa Comelec.
Ayon pa sa mga Senador kahit tumigil na ang Comelec sa pag verify ng pirma kailangang papanagutin at kasuhan sino- sino ang mga gumamit ng pondo ng taumbayan na mistulang itinulak sa bangin ang mga mahihirap.
Meanne Corvera