Work from home, muling ipatutupad sa Ireland dahil sa pagtaas sa kaso ng COVID-19
Hihilingin ng mga kinauukulan sa Ireland na muling magwork-from-home, habang pinalalawak nito ang kanilang Covid-19 vaccination booster programme at certification scheme, sanhi ng pagtaas ng kaso ng pagpapa-ospital sa buong bansa.
Sa isang televised broadcast, sinabi ni prime minister Micheal Martin . . . “It was increasingly clear the country was experiencing ‘another surge of Covid infection’ and that I needed to act now. Our advice is now that everyone should work from home unless it is absolutely necessary that they attend in person.”
Binanggit pa ni Martin na sa Covid passes scheme ng Ireland na base sa vaccination o recovery mula sa virus, ay legal nang isasama ang cinemas at theatres, habang ang bars at pubs ay required nang magsara pagsapit ng hatinggabi.
Dagdag pa niya, i-e-extend ang vaccine boosters sa lahat ng may underlying condition at lahat ng lampas ng 50 ang edad.
Ayon pa kay Martin, nitong nakalipas na linggo ay nakapagtala ng pangalawang pinakamataas na hospital admission rate ngayong taon, sa kabila ng isa ang Ireland sa may pinakamataas na vaccination rates sa buong mundo, kung saan nasa 90% ng lampas doce anyos ang fully vaccinated na.
Ang bansa ay muli nang binuksan noong October 22 makaraan ang 18 buwang pag-iral ng rolling lockdowns, upang malimitahan ang impeksiyon.
Nitong Martes ay nakapagtala ang mga opisyal ng 4,407 mga bagong kaso, mas mataas sa sinundang mga linggo, habang higit 5,500 katao naman ang nasawi dahil sa virus sa bansang nasa limang milyon ang populasyon. (AFP)