World Bank lumikha ng fund para mas mahusay na maiwasan at matugunan ang mga pandemya
Inaprubahan ng World Bank board, ang pagbuo ng isang fund para gugulan ang mga investment sa pagpapalakas ng paglaban sa mga pandemya.
Sa pahayag ng World Bank, susuportahan ng pondo ang prevention, preparedness and response (PPR), na ang pokus ay nasa low- and middle-income countries.
Ayon sa pahayag . . . “The devastating human, economic, and social cost of Covid-19 has highlighted the urgent need for coordinated action to build stronger health systems and mobilize additional resources.”
Dagdag pa ng World Bank, ang pondo na layuning buksan ngayong taon, ay dinivelop sa ilalim ng liderato ng Estados Unidos, Italya at Indonesia bilang bahagi ng kanilang G20 presidencies, at may malawak na suporta mula sa G20.
Gagamitin ito sa ilang areas, kabilang na sa disease surveillance, kung saan inanunsiyo na ang higit $1 billion commitments.
Ayon kay World Bank President David Malpass . . . “The World Bank is the largest provider of financing for PPR with active operations in over 100 developing countries to strengthen their health systems.”
Sinabi pa ng World Bank, na ang tinatawag na financial intermediary fund (FIF) ang magkakaloob ng pondo upang “kumpletuhin ang gawain ng mga umiiral nang institusyon sa pagsuporta sa mga bansa at rehiyon na mababa at katamtaman ang kita para sa paghahanda sa susunod na pandemya.”
Ayon naman kay president Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO), na isang stakeholder sa proyekto, magkakaloob sila ng technical expertise.
Sinabi ni US President Joe Biden na higit sa 1 milyong Amerikano at milyon-milyong tao sa buong mundo ang nasawi dahil sa Covid-19, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng pamumuhunan sa paghahanda sa pandemya.
Aniya . . . “When it comes to preparing for the next pandemic, the cost of inaction is greater than the cost of action. Investing in preparedness now is the right thing and the smart thing to do.”
Sa hiwalay na pahayag ay tinawag ni US Treasury Secretary Janet Yellen ang pondo bilang isang “major achievement that will help low- and middle-income countries be better prepared for the next pandemic.”
Aniya . . . “Even as we continue to work to end Covid-19, today’s decision by World Bank shareholders will help bolster capacity to prevent, detect, and respond to future pandemics.”
Ayon naman sa isang tagapagsalita para sa World Bank, kung mayroon pa ring pandemya ng Covid-19 sa sandaling maipatupad na ang pondo, maaari iyong magamit sa kasalukuyan at maging sa hinaharap na mga pandemya.
© Agence France-Presse