World Cancer day, ginunita….bilang ng mga taong namamatay sa Cancer, marami pa rin, ayon sa W.H.O.
Kinatatakutan ng halos lahat ng tao sa buong mundo ang sakit na Cancer.
Isa itong malalang sakit na dapat pagtuunan ng pansin.
Sa datos ng World Health Organization o WHO, pangalawa sa nangungunang sanhi ng kamatayan ng tao sa buong mundo ang nasabing sakit.
Ayon sa mga eksperto, kung maaagapan, ang cancer ay maaaring magamot, ngunit kung ito ay mapabayaan, maaaring ikamatay ito ng pasyente.
Sa panig ng mga kababaihan, ang pina-karaniwang Cancer ay sa breast, cervix at sa matris habang sa panig naman ng kalalakihan ay Lung Cancer.
Sa parehong babae at lalaki, ang karaniwang cancer na maaaring dumapo ay kanser sa baga, bituka, atay, tiyan, bibig at balat.
Kabilang sa mainam na paraan upang maiwasan ang cancer ay ang pagsasagawa ng healthy lifestyle, pag-iwas sa masamang bisyo gaya ng alak at sigarilyo, paglalaan ng oras sa ehersisyo at wastong nutrisyon na kailangan ng katawan.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===