World food prices muling bumaba pagkatapos ng Ukraine grain pact – UN

The Razoni, the ship carrying the first shipment of grain exported from Ukraine since the start of the Russian invasion on 24 February, crosses the Bosphorus “on its way to Lebanon”, the Turkish defence ministry said on August 3, 2022 (Screengrab of AFPTV/AFPTV)

Inihayag ng isang UN agency na bumagsak nang husto ang mga presyo ng pagkain sa mundo noong Hulyo, na bahagyang dapat ipagpasalamat sa isang kasunduan sa pagitan ng Ukraine at Russia na alisin na ang isang sea blockade na pumipigil sa Ukrainian grain shipments.

Ang mga presyo ng pagkain ay tumaas sa pinakamataas na record nito noong Marso pagkatapos na salakayin ng Russia ang Ukraine, na nagpalubha sa mga pangamba na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang “breadbaskets” sa mundo ay magbunsod ng kagutuman sa mga bansang umaasa sa kanilang exports.

Habang nananatiling mataas ang mga presyo, bumaba na sila ngayon sa ikalimang sunod na buwan, bumaba ng 8.6 porsiyento noong Hulyo kumpara noong Hunyo, ayon sa index ng presyo ng pagkain ng Food and Agriculture Organization (FAO).

Ang index, na sumusukat sa buwanang pagbabago sa mga internasyonal na presyo ng isang basket ng food commodities, ay mas mataas pa rin ng 13.1 porsiyento kaysa noong Hulyo 2021.

A wheat field is pictured in the Moscow region, about 60km from Moscow on July 24, 2022. (Photo by Natalia KOLESNIKOVA / AFP)

Ang pinakamalaking pagbaba ay para sa mga presyo ng vegetable oils, na bumagsak ng 19.2 porsiyento sa pagitan ng Hunyo at Hulyo o katumbas ng 10-month low.

Ang index ng presyo ng cereal ay nagtala ng buwanang pagbaba ng 11.5 porsyento, ayon sa FAO.

Ang pagbaba para sa mga cereal ay pinangunahan ng pagbagsak sa mga presyo ng trigo sa mundo, na ayon sa UN agency ay “bilang reaksyon sa kasunduan na naabot sa pagitan ng Ukraine at ng Russian Federation upang i-unblock ang mga pangunahing daungan ng Black Sea ng Ukraine.”

Ang shipments sa ilalim ng UN-brokered deal noong nakaraang buwan ay nagsimula ngayong linggo, na ang unang sasakyang pandagat na may dalang mais ay umalis sa Ukraine patungong Lebanon noong Lunes.

Tatlo pang barko na puno ng mga butil ang naglayag nitong Biyernes, na ang destinasyon ay Britain, Ireland at Turkey.

Ayon sa FAO chief economist na si Maximo Torero . . . “The decline in food commodity prices from very high levels is welcome, especially when seen from a food access viewpoint. However, many uncertainties remain,” banggit ang mataas na presyo ng fertiliser, “bleak global economic outlook” at currency movements.”


© Agence France-Presse

Please follow and like us: