World marathon record holder na si Kelvin Kiptum, namatay sa car crash sa Kenya
Namatay ang world marathon record holder na si Kelvin Kiptum at kaniyang coach na si Gervais Kakizimana, habang nasaktan naman ang isa sa car crash sa western Kenya.
Sinabi ni Peter Mulinge, police commander para sa Elgeyo Marakwet County sa western Kenya, “The accident happened around 11 pm (2000 GMT). The car had three occupants, two died on the spot, while one was taken to hospital. The two are Kiptum and his coach.”
Aniya, ang sasakyan ay patungo sa Eldoret, isang siyudad sa western Kenya, nang mangyari ang aksidente.
Si Kiptum ay may world record na 2:00:35 sa Chicago Marathon na ginanap noong Oktubre, mas mabilis ng 34 seconds sa naunang record ng kababayan niyang Kenyan na si Eliud Kipchoge.