World No Tobacco day, gugunitain bukas……mga eksperto sa baga, patuloy na nananawagan sa publiko na itigil na ang paninigarilyo
Mayo 31 ang itinakdang araw ng World Health Organization o WHO upang ipagdiwang ang World No Tobacco day o WNTD.
Sa taong ito, ang tema ng selebrasyon ay “Tobacco breaks hearts”na ang layunin na mabigyang diin ang napakasamang epekto ng tabako sa Cardiovascular system.
Ayon kay Dr. Gilbert Vilela, isang Cardiologist, mula sa Philippine Heart Association o PHA, hindi nalalayo ang Pilipinas sa Amerika at Europa, kung -ang pag-uusapan ay kalidad, kahusayan, ng gamot para sa puso.
Bukod dito, kasing gaganda at kasinglalaki rin ang Cardiovascular center ng Pilipinas kung ihahambing ito sa ibang bansa.
Kaya naman, ang kanilang ikinalulungkot, nananatili pa ring pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino ang Cardiovascular disease o sakit sa puso.
binigyang diin pa ni Dr. Vilela kung bakit hindi bumababa ang CVD sa Pilipinas—ito ay dahil daw sa number one ang paninigarilyo sa mga dahilan ng heart attack and stroke,na parehong nakapipinsala ng buhay at pamumuhay ng tao.
Ulat ni Belle Surara