World powers gumawa ng hindi pangkaraniwang pangako, upang mapigilan ang pagdami ng nuclear weapons
Nangako ang 5 global nuclear powers na pipigilan nilang dumami ang atomic weapons at iiwasan ang nuclear conflict, sa isang hindi pangkaraniwang joint statement at isinantabi ang umiinit na West-East tensions upang muling pagtibayin ang layunin ng isang “nuke-free world.”
Ayon sa permanent UN Security Council members na China, France, Russia, UK at Estados Unidos . . . “A nuclear war cannot be won and must never be fought.”
Ang joint statement ay ipinalabas matapos ma-postpone sa scheduled date nito ang latest review sa Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT), na unang nagkabisa noong 1970.
Ang orihinal na petsa ay January 4, subalit inilipat sa ibang petsa dahil sa pandemya.
Sa kabila ng kamakailan ay “major tensions” sa pagitan kapwa ng China at Russia at ng kanilang Western partners, sinabi ng 5 world powers na . . . ” the avoidance of war between nuclear-weapon states and the reduction of strategic risks as our foremost responsibilities.”
Dagdag pa nila . . . “We each intend to maintain and further strengthen our national measures to prevent unauthorized or unintended use of nuclear weapons.”
Nakasaad din sa statement ang pangako nilang susunod sa isang key article sa NPT kung saan nakasaad ang commitment ng mga estado sa “full future disarmament from nuclear weapons,” na ginamit lamang sa pambobomba ng US sa Japan sa pagtatapos ng World War II.
Ayon sa UN . . . “A total of 191 states have joined the treaty. The provisions of the treaty call for a review of its operation every 5 years.”