Wuhan, magiging host sa pagbabalik ng world snooker sa China
Pinuri ng World Snooker Tour ang “napakahalagang anunsiyo” ng tatlong torneo sa China ngayong taon, kabilang ang isa sa Wuhan.
Halos lahat ng international sports events sa China ay kinansela matapos lumitaw sa Wuhan ang Covid-19 sa huling bahagi ng 2019, at unti-unti lamang itong bumalik nang alisin na ang mga paghihigpit sa biyahe.
Isasagawa ng World Snooker Tour (WST) ang unang professional snooker tournament sa mainland China sa loob ng apat na taon, na katatampukan ng Shanghai Masters sa September 11-17.
Susundan ito ng Wuhan Open sa October 9-15 at ng International Championship sa November sa isang siyudad sa China na hindi pa kinukumpirma.
Ang kabuuang salaping mapapanalunan para sa tatlong events kung pagsasamahin, ay higit sa £2 million ($2.5 million).
Sinabi ni WST chairman Steve Dawson, “This is a momentous announcement for our sport as we ramp up our return to staging events in Asia. Throughout the pandemic we have maintained dialogue and relationships with the Chinese Billiards and Snooker Association as well as our key partners and promoters across China. This has allowed us to make a fast return to staging key events now that travel restrictions have lifted.”
Dagdag pa ni Dawson, “We will continue to explore opportunities to stage further events in China and beyond.”
© Agence France-Presse