WWF, nanawagan sa publiko na makiisa sa earth hour bukas
Umaasa ang World Wide Fund for Nature-Philippines o WFF na tulad nang dati ay makikiisa ang lahat sa isasagawang earth hour bukas.
Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ng President and CEO ng World Wide Fund na si Joel Palma na sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw at iba pang electric gadgets sa loob ng isang oras, ay magiging daan ito sa pagtitipid ng enerhiya . pagpapakita rin ito ng suporta sa kampanya laban sa climate change.
Hinimok ng grupo ang publiko na makiisa sa earth hour bukas mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi.
“Kahit 1 hour lang malaking tulongi to at nare-remind tayong lahat na kailangan nating bawasan na mag-aksaya ng resources dahil lahat naman ng mga ito ay hindi infinite lahat to nauubos kaya kailangang pagtulong tulungan natin to be concious about our planet”. –WWF Pres. Palma