Xiamen Airways, posibleng pagbayarin ng P15M na danyos
Posibleng pagbayarin ng Manila International Airport Authority o MIAA ang Xiamen Airlines ng P15 million para sa mga nagastos sa pag-aalis ng sumadsad na eroplano.
Pero nilinaw ni MIAA General Manager Ed Monreal na ang 15 million ay inisyal na danyos pa lamang bilang penalty sa perwisyong idinulot ng Xiamen Air Flight MF8667.
Sinabi ni Monreal na gumastos ang miaa ng mahigit 4 million sa crane para maiangat ang Bboeing 737 aircarft.
Ikinukunsidera rin ng miaa na singilin ang Xiamen sa mga naluging kita nang hindi makapag take off at landing ang mga eroplano na tumagal ng dalawang araw.
Hindi naman aniya mapipigilan ang mga airline companies kung magsasampa ng hiwalay na kaso laban sa Xiamen air para marecover ang mga nalugi.
Ulat ni Meanne Corvera