Yellow alert sa Luzon Grid, itinaas ng NGCP
Itinaas na ng National Grid Corporation of the Philippines ang yellow alert sa Luzon Grid.
Bunsod ito ng manipis na suplay ng kuryente.
Tatagal ang yellow alert mula alas nueve ngayong umaga hanggang alas kuatro ng hapon.
Ayon sa NGCP, pumalo na ngayon sa 8, 926 megawatts ang peak sa demand
ng kuryente malapit na sa available capacity sa Luzon Grid na aabot sa 9, 515 megawatts.
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: